De Lima: 'Walang Paki-elam ang mga Pinoy' - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

De Lima: 'Walang Paki-elam ang mga Pinoy'

Photo credit to owner

Dismayado si Sen. Leila de Lima sa tila pagsasawalang-bahala ng mga Filipino sa mga patayan sa war on drugs sa unang taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahit nagsalita na ang Human Rights Watch na “human rights calamity” ang unang taon ni Pangulong Duterte, nalulungkot si De Lima na tila dedma lang dito ang nakarara­ming mamamayan.

"A human rights calamity! Ay isang karapatang pantao sa karapatang pantao! Ganiyan ang tingin ng Human Rights Watch (HRW) sa unang taon ni Duterte sa tungkulin, kaya totoo! Mahabagin ang mga tao, "sabi ni De Lima sa isa pang nakasulat na sulat mula sa kanyang pagkulong sa punong-tanggapan ng Philippine National Police sa Camp Crame.

“On the international plane, there is manifest uproar about the killings and inexorable solida­rity with the victims. In contrast, our people and authorities are in a state of denial, almost in catatonic state, refusing to repudiate this culture of death,” himutok ng senadora.

“In short, the world cares. But many Filipinos don’t. Tragic!” patutsada pa niya.

MARAMING HUGOT AT PATUTSADA ANG SENADORA DAHIL SA NANGYARI SA KANYA. EVEN THE CHR KINUWESTYON NIYA UKOL SA PAG-ASSESS NITO SA PANGULO SA UNANG TAON NG PANINILBIHAN NETO SA ATING BANSA.

Sa kabila ng kawalan ng interes ng mga Pinoy, tiniyak naman ni De Lima na hindi siya susuko sa pagkuwestyon sa war on drugs ni Pangulong Duterte, gayundin sa pagtuligsa sa mga kontrobersyal na gawain ng administrasyon.

“I cannot and will never give up on our people,” diin pa ng senadora sa isang statement mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame.

Sa loob ng isang taon ng administrasyong Duterte, tinata­yang 10,000 katao ang namatay sa war on drugs subalit ayaw aminin ng pamahalaan na biktima ng extrajudicial killings (EJKs) ang karamihan nito kundi kaso ng “homicide”.

De Lima is detained in Camp Crame for her alleged involvement in the illegal drug trade in the New Bilibid Prison in Muntinlupa City while she was Justice secretary during the time of President Benigno Aquino III.

AFTER HER STATEMENT REGARDING SA ISANG TAON ANIBERSARYO NI DUTERTE BILANG PANGULO, NAGPUPUYOS ANG GALIT NIYA PATI SA MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS. 






Credits: News/Abante, GMA


De Lima: 'Walang Paki-elam ang mga Pinoy' Reviewed by Unknown on July 02, 2017 Rating: 5 Photo credit to owner Dismayado si Sen. Leila de Lima sa tila pagsasawalang-bahala ng mga Filipino sa mga patayan sa war on drugs sa...

No comments: