PULIS NA RESCUE SA MARAWI - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

PULIS NA RESCUE SA MARAWI

Photo credits to owner

Limang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na naipit sa bakbakan sa pagitan ng gobyerno at ng Maute group sa Marawi City ang nailigtas nitong Martes.

Ayon sa report ni Benjie Liwanag sa dzBB, ang mga pulis na pinaghahanap ng Autonomous Region in Muslim Mindanao Police ay natagpuan sa Banggolo, Marawi City.

Sila ay sasailalim sa pagtatanong bago sila ilipat sa pagamutan.

Sana makatulong yung mga impormasyon na ibibigay nila para matapos na ang bakbakan sa Marawi. Masiyado ng marami ang namatay, nakakaawa yung mga pamilya na iniwan nila

Noong nakaraang Lunes, sinabi ni ARMM director Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na natagpuan na ang isa pa sa kanilang kasamahan na una nang nakatakas sa bakbakan.

Sinasabing ang grupo ay naubusan ng mga armas na dahilan ng kanilang pagkakaipit sa Banggolo, isang lugar na malapit sa Maute group. Hindi agad sila na-rescue dahil sa pwersa ng teroristang grupo, bagama't patuloy ang kanilang komunikasyon sa PNP.

Ayon sa militar, aabot na sa 138 militante ang napatay sa patuloy na sagupaan habang 21 na sibilyan naman ang napatay ng Maute group.

Noong nakaraang Sabado, sinabi ng militar na 13 marino ang napatay sa bakbakan na inabot ng 16 oras sa Barangay Lilod Madaya. Samantalang 58 naman ang napatay sa kampo ng gobyerno.

Source: GMA News

PULIS NA RESCUE SA MARAWI Reviewed by Unknown on June 13, 2017 Rating: 5 Photo credits to owner Limang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na naipit sa bakbakan sa pagitan ng gobyerno at ng Maute ...

No comments: