MUST WATCH: DALAWANG PULIS NAMBUGBOG, IPATATAPON SA MARAWI - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

MUST WATCH: DALAWANG PULIS NAMBUGBOG, IPATATAPON SA MARAWI

Photo credit to owner
Ipinatatapon sa Marawi ang dalawang pulis na sangkot sa pambubugbog ng dalawang lalaki sa Mandaluyong.

Nakuhanan pa ng isa sa mga biktima ng video ang aktuwal na pambubugbog at viral din ito sa social media.



Ayon sa kumuha ng video, inimbitahan sila sa presinto ni PO1 Jose Tandog at kasamahang si PO1 Chito Enriquez matapos silang mahuli na umiinom sa kalye.

Makikita sa video na naging mahaba ang kanilang diskusyon pero hindi nagtagal, pinagpapalo na ng hawak na kahoy ni Tandog ang mga biktima.

Sinubukan pang mangatuwiran ng mga lalaki pero tuloy pa rin ang hataw ng pulis at nanakot pa na papuputukan sila ng baril.

Kinompronta rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde si Enriquez dahil bagama't hindi siya namalo, may pananagutan pa rin siya at dapat aniya ay inawat niya ang kasamang pulis.

Depensa naman ni Enriquez, nagulat rin siya sa inasta ni Tandog.

Ayon pa kay Albayalde, ipinag-utos na ni Philippine National Police chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na sibakin sa puwesto ang dalawang pulis, at ipatapon sa Marawi habang iniimbestigahan ang kanilang kaso.

SALAMAT DAHIL MERON TAYONG CHIEF DIRECTOR NA HINDI HINAYAAN ANG GANITONG PANGYAYARE SA ATING KAPULISAN, MABUHAY KA GENERAL BATO DELA ROSA!

IMBES NA GAMITIN SA TAMA AT GAWIN MABUTI ANG TRABAHO BILANG PULIS, GAGAMITIN PA SA MASAMA, IBANG KLASE NGA NAMAN! DAPAT LANG NA IPATAPON NA LANG SA MARAWI ANG MGA TO’ NG MATURUAN NG ARAL PAANO MAGING TUNAY NA PULIS!




Credits: News/ ABSCBN

http://news.abs-cbn.com/news/06/28/17/2-pulis-na-dawit-sa-pambubugbog-ipinatatapon-sa-marawi
MUST WATCH: DALAWANG PULIS NAMBUGBOG, IPATATAPON SA MARAWI Reviewed by Unknown on June 28, 2017 Rating: 5 Photo credit to owner Ipinatatapon sa Marawi ang dalawang pulis na sangkot sa pambubugbog ng dalawang lalaki sa Mandaluyong. N...

No comments: