Must Read: PDEA declares 3 towns in Palawan 'Drug Free' - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Must Read: PDEA declares 3 towns in Palawan 'Drug Free'

Photo credit to owner
Tatlong munisipyo sa Palawan ang idineklarang wala nang droga ng oversight committee ng Dangerous Drugs Board (DDB) nitong Miyerkoles.

Idineklarang "drug-free" ang munispyo ng Cagayancillo habang idineklarang "drug-cleared" naman ang mga munisipyo ng Araceli at Magsaysay dahil sumuko at nagbagong buhay na ang mga nasangkot sa droga rito.

Upang mapanatiling walang droga ang mga nabanggit na munisipyo, nagbigay ng alternatibong kabuhayan ang lokal na gobyerno sa mga taong naapektuhan ng iligal na droga.

Ipinagmalaki ng Araceli ang mga sumukong drug users na nagtatrabaho na sa munisipyo ng kanilang bayan.

“'Yung iba ay inilagay natin sa disaster (Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office) para talagang mainit at alert ang kanilang isip,” ani Araceli Mayor Noel Beronio.

"The three municipalities assured us that they went beyond that, pagkatapos mabigyan ng tamang intervention, karamihan sa kanila binigyan pa ng trabaho at binigyan ng pagkakataon na maging maayos na mamamayan ng munisipyo," ani de Guzman.

Isa sa mga posibleng sunod na idedeklarang malinis na sa droga ang bayan ng Kalayaan, pero hinihintay pang makumpleto nito ang mga kulang pang dokumento.

BUKOD SA PAGIGING KILALA NG PALAWAN NA ONE OF THE NATURE'S WONDER, NAKAKA PROUD NA ISA SIYA SA LUGAR SA PILIPINAS NA WALANG GUMAGAMIT NG BAWAL NA GAMOT. 

ALAM NAMAN NATIN LAHAT NA ISA SA LAYUNIN NG PANGULO NG PILIPINAS ANG MAGING 'DRUG FREE' AND BUONG BANSA NATIN, DAHIL NAKAKASIRA ITO NG BUHAY AT PAMILYA. 


Credits: News/ ABSCBN

http://news.abs-cbn.com/news/06/28/17/3-munisipyo-sa-palawan-idineklarang-drug-free

Must Read: PDEA declares 3 towns in Palawan 'Drug Free' Reviewed by Unknown on June 29, 2017 Rating: 5 Photo credit to owner Tatlong munisipyo sa Palawan ang idineklarang wala nang droga ng oversight committee ng Dangerous Drugs Board (DD...

No comments: