Misteryosong pagkamatay ng isang bata, may kinalaman ang pamilya - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Misteryosong pagkamatay ng isang bata, may kinalaman ang pamilya

Photo credit to owner
Isang 11-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay sa laot ng Barangay Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakailan.

Ayon sa mangingisdang si Simeon Dominguez, may nakapulupot na lubid sa leeg ng batang si John Raven Oguera nang matagpuan niya ang bangkay ng bata noong Lunes. Ang isang dulo ng lubid, nakatali naman sa isang bloke ng semento.

Biyernes pa ng gabi nang mawala ang bata. Lumabas umano ito ng disoras ng gabi at hindi na nakabalik.

Ayon sa tiyuhin ng bata, makulit ang kanyang pamangkin. Ninanakawan umano nito ang ilang kapitbahay at minsan nang nanunog ng bahay ng isang barangay kagawad.

Lahat naman ng bata ay makulit, at kaya nga nandiyan ang mga magulang para alalayan ang mga ito.. Pero hindi naman siguro tama na basta nalang paslangin ang isang bata na maari mo pang matulungan para maging maayos ang kanyang paglaki..

Sa panayam kay Antonio Camara Sr., kapitan ng barangay, kilala na nila kung sino ang posibleng gumawa ng krimen at ang hinala nila ay may kinalaman dito ang pamilya ng bata.

"May lead na kami, may lead na ang barangay kung sino ang may gawa sa krimen. May relasyon sa pamilya dahil parang nahihiya na sila sa ginagawa ng bata," ani Camara.

Tao pa ba ang maituturing sa gumawa nito? Ikalat natin to mga kababayan..





Credits to GMA News

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/616138/11-anyos-may-lubid-sa-leeg-na-nakatali-sa-bloke-ng-semento-nang-matagpuan-patay-sa-camsur/story/
Misteryosong pagkamatay ng isang bata, may kinalaman ang pamilya Reviewed by Unknown on June 28, 2017 Rating: 5 Photo credit to owner Isang 11-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay sa laot ng Barangay Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakaila...

No comments: