Must Read: If You Were to Find a Million Peso in the Mall, Will You Follow What This Man Did - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

Must Read: If You Were to Find a Million Peso in the Mall, Will You Follow What This Man Did


Guard ng isang mall sa makati nagsauli ng limpak limpak na salapi. Original Photo credits to owner.

Nagsoli ng napulot na bag na may lamang maraming pera ang isang honest na security guard na naka-assign sa isang mall sa Makati City.

Kwento ng security guard na si Ronald Leaneta, tubong Atimonan, Quezon, nagra-round siya sa mall na kanayang binabantayan nang makita niya ang isang bag na naiwan sa isang pushcart.

Aniya, pasado alas-siete ng gabi noong Huwebes, habang naka-duty siya at nagawi sa supermarket section, nakakita siya ng isang bag sa loob ng pushcart at agad niyang dinala ang bag sa kanilang tanggapan.

Nang buksan ito, tumambad sa kanila ang maraming pera sa loob ng bag.

Agad na ipinaalam nila ni Ronald at mga kasamahan niya sa management ng mall tungkol sa bag upang mahanap ang may-ari nito.

Makalipas ang isang oras,  nahanap ang may ari na ubod ng pasalamat kay Ronald.

Hindi tinanggap ni Ronald ang pabuyang ibinibigay sa kanya ng may ari ng bag.

Katuwiran niya, trabaho umano niya ang pag-secure ng mga tao at bagay sa mall na kanyang binabantayan.

Hinahangaan ng management ng mall ang ginawa ni Ronald. Saludo rin sa kanya ang kanyang mga kasamahan, at pati na rin ng kanyang security agency.

NAKAKATUWANG MALAMAN NA MAY MGA GANITO PADING KLASE NG TAO. SA PANAHON KASI NGAYON PURO BALASUBAS NA ANG KARAMIHAN LUMALABAS ANG TUNAY NA UGALI PAGDATING PERA.

SALUDO ANG BUONG MAMAMAYAN SA IYO SIR, ISHARE NATIN AT SANA TULARAN PA NG NAKARARAMI.

Credits to: GMA News

Must Read: If You Were to Find a Million Peso in the Mall, Will You Follow What This Man Did Reviewed by Unknown on May 20, 2017 Rating: 5 Guard ng isang mall sa makati nagsauli ng limpak limpak na salapi. Original Photo credits to owner. Nagsoli ng napulot na bag na may...

No comments: