"Judge Bitay" to restore DEATH PENALTY - Our Daily Revelations PH

728x90 AdSpace

"Judge Bitay" to restore DEATH PENALTY

La Union - Kilalang "Judge Bitay" ang 79-anyos na si retired Judge Joven Costales na dating hukom sa Regional Trial Court Branch 45 ng Urdaneta City.
Ayon kay Judge Bitay, nakuha niya ang bansag dahil sa dami ng kasong nahatulan ng death penalty at life imprisonment.
Umabot sa 26 kaso ang hinatulan niya ng parusang kamatayan habang 30 kaso naman ang hinatulan niya ng life imprisonement matapos i-abolish ang death penalty noong taong 2006.
Itinatago ni Judge Bitay ang kanyang mga libro na tinawag niyang "Book of Death".
Ayon kay Judge Bitay, bago umano siya magpataw ng parusang kamatayan sa sinumang nagkasala ay nagdarasal ito at humihingi ng gabay sa Poong May Kapal.
Naniniwala naman ang dating hukom na dapat muling ibalik ang death penalty sa bansa at hindi lang daw dapat ito limitahan sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Nararapat lamang daw ito sa mga heinous crimes.
Kasalukuyang aktibo sa public service at senior citizens affairs office ang dating hukom.

Naniniwala ang nakararami na dapat ng ibalik ang death penalty sa Pilipinas, hindi dahil para pumatay kung di it ay masisilbing pananakot sa ating mga  kababayan na napunta na sa ibang landas.

Marami din ang hadlang dito, tulad nalang ang mga paring katoliko. Pero hindi niyo naman po siguro masisisi yung mga taong pabor dito dahil sa mga nangyayari sa paligid natin. Maraming tayong mga kababayan na wala ng takot pati ata ang diyos kinalimutan nila..

Marami nadin po ang walang pakialam sa mga paligid nila na pilit nilang gagawin kung ano ang gusto nila at ikaliligaya nila. Kaya sana ito ay maibalik na sa lalong mabilis na panahon ng sa ganun ay malaman natin kung may pagbabago ba kapag naibalik ito.

At para nadin siguro ito sa mga taong pinatay ng walang laban na haanggang ngayon sumisigaw padin na bigyan ng katarungan ang kanilang pagkamatay.

Please share this, para maka abot sa kinauukulan na marami din ang pumapabor sa hatol na to.
Source: ABS-CBN News
"Judge Bitay" to restore DEATH PENALTY Reviewed by Unknown on March 05, 2017 Rating: 5 La Union - Kilalang "Judge Bitay" ang 79-anyos na si retired Judge Joven Costales na dating hukom sa Regional Trial Court Branch...

No comments: